Tahanan

lorelorelore
Posted January 6, 2022 from Philippines

Di ko lubos maisip ang galit ng bagyo at malalaking alon ay kinaya Sa aking paglalayag madaming aral Ang nadala  Na Hindi lamang naging parte ng aking buhay bagkus naging parte na ng aking pagkatao Ngunit alam Kong akoy kailanman ay hindi naging magisa dahil alam Kong Ikaw Ang kasama

Sa mga araw na kailangan ko ng kaibigan Sa mga pagkakataon na wala akong makapitan  Sa mga problemang di ko kayang solusyonan Sa mga umagang takot kong gisingan

Ikaw naging laging karamay Ikaw ang nag iisang di nagdalawang isip na akoy tulongan Ikaw ang nagiisang nakinig at nakakaintidi sa akin Ikaw ang di nagsawang makinig at umintind

Isang tulad mo ang nandiyan Isang amang walang kapantay ang pagmamahal Isang taong kayang magsakripisyo ng sarili nyang buhay Isang dakilang Diyos na anak ang tawag sa tulad kong makasalanan

Ikaw Ang Aking tanging tahanan na uuwian Kaisipan at saloobin na dumadaloy sa pusot isip, Ikaw lang tanging nakakaalam Ang Iyong "Tahan na" Ang tanging nagbibigay ng gaan saakin Pakiramdam koy kaya Ang lahat Basta alam Kong ikay nariyan Ikaw lamang nanaisin makasama sa lakbay ng aking buhay Maraming salamat aking Tahanan.

 

Comments 1

Log in or register to post comments
maeann
Jan 06
Jan 06

Lore, ang sarap basahin ng iyong compose poem sa wikang tagalog. Nakaka inspire. Continue to share your thoughts and hopes with us.