Mga christmas light na kumukuti kutitap at kumukurap kurap na tila parang isang alitaptap
Kasabay neto ang pagningning ng nga bituwin sa alapaap.
Simoy ng papalapit na pasko ay ramdam na natin
Dampi ng hangin na tila kumakalabit saatin at nanghihikayat na paskoy salabungin natin
Ang ibay galak ngunit ibay walang balak.
Walang pakialam at hayaan lumipas lang
Dahil sa isang kalaban na dumating na lingid sa kaaalaman ng lahat
Kalaban na binago ang buhay ng tao
Kalaban na binago ang ikot ng mundo
Kalaban na nagtakip sa ngiti ng mga tao
Kalaban na kumitil sa buhay ng maraming tao
Kalaban na tila ayaw huminto
Kalaban na na syang dahilan ng ating pagkakalayo layo
Kalaban na hindi natin alam kung kailan lalayo
Hindi mo alintanana kung itoy papalapit o papalayo sayo
Tanging mga ilang senyales ang nagbibigay sagot sa iyo
Ngunit hindi lahat ay nagpapahayag
Na syang higit na nagbigay takot sa lahat
Kayat ilang mga utos ang pilit isinakatuparan
Isa dito ang
"Bawal lumabas"
Utos na pilit sinunod ng lahat
Na tila syang mas kinatakot ng maraming tao
Pagsara ng kompanya, pamilihan, paaralan, bahay dalanginan at iba pa.
Na siyang nagdulot ng kawalan ng trabaho sa karamihan
na nagdulot naman ng kagipitan kayat gutom at uhawa ang sinapit ng karamihan
Umaasa at naghahangad lang ng tulong ng mabuting kalooban
Ilan lang yan sa mga sinapit ng lipunan
Kayat paano na ang pasko sa panahon na ito dumaranas tayo ng maraming pagbabago
Limitadong pagselebra limitadong pagsasalo
Iba saatin ay magisa Nangungulila sa pamilya
Iba namay iniinda pa ang sakit at pait sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay
Takot at pangamba ang tiyak na pakiramdam ng karamihan
Ngunit sanay maalala natin ang totoong kahulugan at kadahilanan ng pasko.
Ang araw na itinakda ng tao upang iselebra ang kapanganakan ng ating hesu kristo
Na siiyang umako ng kasalanan ng mundo at
Pangalang sumisimbolo ng pagsakripisyo, pagkakaisa at pagmamahalan.
Marami man ang nawalan dumanas ng sakit at kahinagpisan
pagkawala ng trabaho ng karamihan
gutom na tiyan at uhaw na lalamunan
Wag mawawalan ng pagasa at patuloy lumaban Paglaban sa hindi nakikitang kalaban Pagmamahalan puti itim o kayumanggi man
pagkakaisa sa kabila ng pagkakaroon ng ibat ibat paniniwala
Magkaroon ng iisang puso sa daratong na kapaskuhan
Pagkalayo layo sa isat isa wag maging hadlang
Patuloy paren ipadama ang ligaya at liwanag na ating dala.
Welcome to World Pulse Lorelyn. Your story is your power.
I am very touched with your poem. Thank you for sharing this. Did you compose this?
Thank you so much
Hi Lore,
Thank you so much for this lovely piece. It is really nice and Merry Christmas! Truly, Jesus is the reason for the season. I join my sis Maeann to warmly welcome you to World Pulse, your new family.....Yaaaaayyyyyyy! This is the place to be.
Congratulations on your first post too.
'Great that you are raising your voice. Keep writing and shining, Sis.
Love and hugs,
E. J.
Thank you so much
Hello Lore,
Welcome to Wold Pulse! A beautiful call for us to come together in unity across race, across different beliefs, to offer what we each can, board unity, with love. Thank you for this.
Thank you so much
Thank You for sharing Lore
I couldn't understand what you said but in the spirit of sisterhood and celebration of diversity i know it is beautiful.
so thank You for sharing.
Thank you so much
Hello, Lore,
Welcome to World Pulse! Yey, a new voice from the Philippines is rising up! Gustong-gusto ko na tagalog ang sinulat mo. May tagos sa puso! Sana ay makapagsulat ka pa ng marami.
May your 2021 be filled with love, joy peace, grace, and abundance!
Thank you so much
You're welcome!
Dear Lore,
Malungkot ngunit nagbibigay ng pag-asa ang iyong tula. Humahanga ako sa iyong pagsulat sa wikang Pilipino. Salamat sa pagbahagi ng iyong muni-muni ngayong kapaskuhan sa panahon ng pandemya.
Manigong bagong taon sa iyo.
Nagmamahal...
Maraming salamat po.