What Lessons Have You Learned During This Pandemic

Rojin
Posted December 24, 2020 from Philippines

(Tagalog Version)

Nang sumapit ang taong 2020, bawat isa sa atin ay punung-puno ng pag-asa para sa magandang bukas, mga pangarap na matagal nang inaasam at mga lugar na nais mapuntahan. Ngunit nang dumating ang nakakahawang sakit na Covid19 mula sa Wuhan China, tila ninakaw nito ang lahat.

 

Marso 2020 nang ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon o mas kilalang " Lockdown". Ito ay nagdulot ng matinding pangamba at takot sa atin... sa akin. Marami ang nawalan ng trabaho at naluging mga negosyo na nagdulot ng matinding depresyon at pag-aalala sa bawat mamamayan. Pag-aalala kung paano mababayaran ang kanilang mga bayarin. Sasapat ba ang naipon na pera para sa susunod na pangaraw-araw na gastusin? Kung tatamaan ba ako o di kaya'y ang aking pamilya ng karamdaman, may pambayad kaya kami sa ospital? Hindi kasi sasapat ang may Philhealth lang. Marami sa atin ang nais matapos agad ang taon na ito dahil puro pagsubok at kalungkutan na lang ang kanilang nararanasan. Dahil sa pangyayaring ito, natutunan ko na:

Una, dapat lagi tayong manalangin at magtiwala ng buong puso sa Panginoon. Alam niya ang lahat ng ating mga problema at saloobin. Hindi niya tayo iiwan at pagkukulangin. Ibigay lang natin sa kanya kung ano yung mga bumabalakid sa atin at Siya na ang bahala sa lahat.

Ang mundo ay bilog. Kung ikaw ngayon ay nalulumbay, magtiwala ka lang sa Diyos na iaangat ka niya. Hindi habang buhay ang pandemya. Manalig ka lang.

Hindi ka nag-iisa sa laban nang pag-aalala at pagkabalisa. Buong mundo ang lumalaban dito.

Ikalawa, Kahit gaano kalaki ang ipon natin sa bangko pero kung walang kita na dumadating, mauubos at mauubos din. Dapat ay may iba rin tayong pinagkukunan ng ating kita. 

Ikatlo, kailangan tayong mag-invest sa ibang kaalaman at kasanayan. Kung sakalaing mawalan ng trabaho, mas malaki ang tsansa na madaling makahanap ng ibang mapapasukan dahil sa karagdagang kadalubhasaan.

 

May dahilan ang bawat pangyayari sa ating buhay. Mga bagay na para ba tayong pinagsarahan ng langit dahil sa walang humpay na pagsubok. Ngunit lagi natin tatandaan na nariyan lagi ang Diyos na handang tumulong at umagapay sa atin. Tawagin mo lang siya kapag nasa gitna ka ng matinding unos ng iyong buhay at tutulungan ka niya sa krisis na iyong pinagdadaanan. Ang kailangan mo lang gawin ay kumapit sa kaniya.

Comments 9

Log in or register to post comments
maeann
Dec 24, 2020
Dec 24, 2020

Welcome to World Pulse Rojeanne. Your story is your power.

Thank you for sharing your reflection on how this pandemic thought you a lesson in life. The 3 steps you gave is a very much ideal to hold on. As long as we have hope and faith, we will go through the crisis that will come in our way. Hold on what you believe is right and just.

Rojin
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020

Thank you for your encouraging words.

Paulina Nayra
Dec 25, 2020
Dec 25, 2020

Mahal kong Rojeanne,
Nakakatuwa na meron nagsulat sa sariling wika sa isang paksang napakamahalagavsa panahon ngayon. Trying hard akong mag Tagalog dahil ako ay Waray sa isip, sa salita at gawa.Buti nalang mayroon google translate puedeng makatulong sa ating mga kapatid sa ibang parte ng mundo,Welcome to World Pulse!
Huggs

Rojin
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020

Salamat po Ate Paulina.

leila Kigha
Dec 27, 2020
Dec 27, 2020

Thank You for sharing :)

Rojin
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020

Welcome Ms. Leila

Karen QuiƱones-Axalan
Dec 29, 2020
Dec 29, 2020

Hello, Rojeane,

Welcome to World Pulse! What a joy that a new voice from the Philippines is rising up!

Ako rin ay nagagalak na nagsulat ka gamit ang ating wika! Napakasarap basahin! Medyo di nga lang ako magaling sa Tagalog pero nakakaintindi naman. Sana ay mas marami ka pang maisulat! Aabangan po namin yan!

May your 2021 be filled with love, joy peace, grace, and abundance! Welcome again to this growing sisterhood!

Rojin
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020

Opo makakaasa po kayo na magsusulat pa po ako ng mga tagalog na artikulo. Ako po'y nagagalak at nagustuhan niyo po ang aking isinulat.

Muli, maraming salamat.