Gawaing Bahay

Rojin
Posted March 2, 2021 from Philippines

Bawat Isa sa atin ay dapat naituro ang mga ito nung tayo ay bata pa lamang. Basic training na maitatawag ito. Para sa ating pagtanda hindi tayo kawawa. Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking lola sa nanay ko noong ako ay 8 years old pa lamang. And I quote, Huwag mo silang sanayin a mga kasambahay, habang bata pa sila ay turuan mo sila sa gawaing bahay. Kawawa ang mga anak mo sa paglaki nila. Hinding-hindi ko iyon malilimutan, hanggang sa ngayon na tumanda ako. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking ilang tips base sa aking experiensya at pananaw tungkol sa gawaing-bahay.

Pag-lalaba

Ito ang pinakamahirap at pinaka-mabigat sa lahat ng gawaing-bahay. Bagama't may washing machine ay hinihiwalay ko ang pambahay sa pang-lakad na damit. Ang mga pambahay ay sa washing machine ko nilalabhan samantala ang mga pang-alis ay handwash naman. Maingat ako sa mga damit gaya ng barong, damit na silk ang tela, mga bistida, uniporme, pang-opisina at iba pa. Ang mga ito ay ibinababadko muna ng 10 minuto at saka kinukusot . Binabanlawan ko rin ang mga ito gamit ang aking mga kamay. Pagkatapos ay isinasamapay. Pagdating sa mga damit panloob (underwear) ay ibinababad  ko rin ang mga ito, hiwalay ang timba at kinukusot.  Hindi ito maaring i-wash sapagkat luliwag ang mga garter. Pagdating sa mga pambahay na karaniwan ay puti, gabi pa lang bago ako maglaba ay ibinababad ko na. Hindi na ako nagkukula ng mga puti. Aba eh kulang sa oras tska walang espasyo paraq sa mag-kula ng damit. Hindi ako maselan sa paglalaba ng pambahay basta nakahiwalay ang dark vs. sa light colors na mga damit.

Hindi sa lahat ng oras ay dapat i-asa ang ating mga damit sa washing machine. Hindi kasi lahat natatanggal ng washing machine ang mga matitinding mantsa  gaya ng ketsup, soysauce, langis, nanikit na pintura, putik at iba pa. Isa sa mga maipapayo ko ay dapat makusot na natin ito namay kasamang tubig at sabon para sa gayon ay hindi na lalong dumikit ang mga mantsa. Kapag kulang naman tayo sa noras ay pwede naman natin ibabad.

Pag-Plantsa

Hindi ko na plinaplantsa ang mga pambahay para makatipid sa kuryente. Pagdating sa mga pang-lakad, Sahuling banlaw ay hindi ko na pinipiga ang mga damit. Bagkus, ini-ispread ko ang mga dami ayon sa kanilang hati at tahi. Hinahayaan kong tumulo ang mga tubig para hindi makusot ang mga damit. at pagkatapos ay isasampay ko na. Mayroong konting kusot pero hindi masyadong lukot. Hindi na mahirap sa pagplantsa. Ang aking mga nasabi ay applicable sa mga panglakad na damit.

Sa pambahay na damit, right after na kuhain sa sinampayay agad -agad ko nang tinutupi ang mga damit, doon mismo sa sampayan. In fairness hindi lukot ang mga damit at ang bango.

Pamamalengke

Kadalasan namamalengke ang mga tao sa araw ng sabado at linggo. Mas pinipili ng mga tao mamili sa palengke kaysa sa grocery dahil mas malaki ang matitipid. Mas sariwa ang mga bilihin at mas marami ang pagpipilian. Dito sa Pilipinas ang mga tao ay may mga suki na tinatawag. Sila yung mga tindero at tindera na regular nang binibilhan ng mga mamimili dahil subok na ang kalidad ng kanilang produkto at integridad ng mga nagbebenta.

Pagluluto

Yung mga basic na pagluluto/potahe lamang ang aking alam. Gaya ng chopsuey, pag-ihaw ng mga isda, karne at iba pa lang ang aking gamay. Isama na rin ang lumpiang shanghaiat pag-marinate ng iba pang pagkain. Hayaan ninyo at pag-aaralan ko gawain na ito.

Paglilinis

Hindi ko ito araw-araw ginagawa, bagkus mas pinili ko na every other day itong gawin. Sakit ng katawan ang aabutin ko kapag araw-arawin ko ang gawain na ito. Pero kung ako ay mag general cleaning ay isang beses sa isang linggo.

 

Hindi madali ang gawaing-bahay. nakakapagod, paulit-ulit na parang walang katapusan. Sa mga nagtatrabaho sa ganitong gawain sana ay bigyan natin sila nang halaga, pagpupugay  at huwag maliitin. Sapagkat ang kanilang tungkulin ay hindi biro. Dahil sa bawat dugo at pawis na kanilang ibinibgay ay kaginhawaan ang dulot nito sa ating pamamahay.

Comments 8

Log in or register to post comments
maeann
Mar 02
Mar 02

Hi Rojin,

Household chores is a tough job! So KUDOS to all MOMMIES, NANAY, INAY, who does the work in the house. I remember my Mom, after a long day chores, she would say "Im Done, now it's time to relax" We thought that these chores are easy, but it's not. It's more tiring than working in the office. None of these are my favorite hahahah. The only thing that I iron are undies especially if it didn't dried from sun, I do this to kill the bacteria.

Thank you for sharing :)

Rojin
Mar 05
Mar 05

I totally agree in your opinion. Most people would say that... Nasa bahay ka lang naman eh. Anong mahirap sa sa pagiging housewife? Ang hindi nila alam ay walang katapusan ang trabaho sa bahay. Sa office may break time samantalang sa bahay, habang nag-wawash ng mga damit ay nag-aalaga kay baby o di kaya naglilinis ng bahay.

Agree po ako sa inyong opinion sa pag-pplantsa ng mga mga underwear lalo na kung hindi naarawan :)

Maraming salamat sa pagbasa ng aking artikulo.

Beth Lacey
Mar 03
Mar 03

Those who keep the home a nourishing place for the family should be celebrated.

Rojin
Mar 05
Mar 05

Thank you for reading my article. I am glad that you appreciated my thoughts and insights about household chores. It is really indeed a tough job.

Hello,Rojin,

Tama ka,hindi talaga madali ang gawaing bahay lalung-lalo na pag may mga maliliit na bata na kalat ng kalat kaya araw-araw ang paglilinis sa amin, buti na lang ang mister ko ang naglalaba at naglumalabas para maggrocery, ako naman sa pagluluto, paghuhugas ng pinggan, at pagpaplansta (di naman madalas kasi di na pinaplantsa kahit panlakad tsaka work from home pa ngayon).

Thank you for taking the time to write in detail the common household chores we have in the Philippines. Aside from the chores, taking care of little ones is a challenge for me. Ang kukulit! While reading your post, I told myself, "Nakakapagod pala talaga. Akala ko ako lang." Itong mga bagay na ito ay hindi masyadong napapag-usapan pero kaya maraming salamat sa pagsulat nito!

Rojin
Mar 05
Mar 05

Ang sipag ninyong mag-asawa... nakakatuwa. Buti okay lang kay hubby mo ang mag-laba, ang sakit kaya sa likod. Maglaba, magsampay tapos magtupi. kapag hindi maganda ang panahon at naambunan ang damit... bumabaho.

Sa pagluluto, mahirap mag-isip nang iluluto. nariyan pa ang walang katapusan na paghuhugas ng mga pinggan. Dagdag pa riyan ang kalat ng manitka sa sahig.

Hindi biro ang mag-alaga ng mga bata. Base sa experiensya ko sa mga pamangkin ko, mahirap magpakain ng bata. Kinakailangan mahuli natin ang atensyon nila para sila ay kumain. Minsan kinakailangan pang manood sila ng paborito nilang palabas para sila ay kumain. Pagkatapos ay tumatakbo-takbo kung saan-saan. hindi pa kasama riyan kapag may tantrums sila at kapag may lagnat.

Nakakapagod din maglinis araw-araw. Walis dito, mop ng sahig, punas doon. Punas ng bintana, magdilig ng mga halaman at kung anu-ano pa. Haaay nakakapagod talaga. Pero it is all worth it kapag nakita natin na malinis at maaliwalas ang bahay natin.

Saludo ako sa inyong mag-asawa sa inyong kasipagan.

Anita Kiddu Muhanguzi

HI Rojin,
Thank you so much for sharing your post. We celebrate all those who take care of our homes. They need to be celebrated on a daily. Have a lovely Easter weekend.

Rojin
Apr 06
Apr 06

Hello Anita.

Thank you for comments :) I totally agree with your opinion that they need to be celebrated daily. Doing house work is really not an easy task. And everyone should know the basic routine in doing household chores. It's a matter of time management and definitely exhausting.

Happy Easter too.